MENU

1 3

Chargée d’affaires Vida Soraya Verzosa kasama ang mga kawani ng Philippine Embassy, Damascus at ang walong (8) biktima ng Trafficking in Persons (TIP) sa Damascus International Airport

 

Muli na naman nabakante ang Shelter sa Embahada ng Pilipinas sa Damascus mula noong 24 Hunyo 2021, dahil sa matagumpay na patuloy na pagpapauwi at pagpaparepatriate kamakailan ng walong (8) Overseas Filipinos patungong Pilipinas noong ika-7 ng Disyembre 2021 bago sumapit ang kapaskuhan.   Ang walong nabanggit ay biktima ng Human Trafficking at Illegal Recruitment. 

Bago ang kanilang pag-uwi, nagpasalamat ang mga nabanggit na repatriates sa naging tulong ng Department of Foreign Affairs-OUMWA at Embahada ng Pilipinas sa Damascus upang sila ay masaklolohan at makauwi ng Pilipinas. Inilahad din nila ang kanilang mga karanasan sa kanilang mga amo sa Syria at ang kanilang kagalakan na sila ay tuluyang makakauwi ng Pilipinas at makakasama ang kanilang mga pamilya ngayong Pasko.

Sila rin ay patuloy na tinutulungan ng Embahada na habulin at kasuhan ang kanilang mga illegal na recruiter sa Pilipinas, Malaysia, Dubai at maging sa Syria sa pamamagitan ng tulong ng Philippine Overseas and Employment Administration (POEA), Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT), at Blas Ople Policy Center.  Ang mga naturang ahensya ay tinutulungan ang mga Overseas Filipinos (OFs) na narepatriate na sampahan ng kaso ng Trafficking in Persons at Illegal Recruitment ang mga taong gumawa sa kanila ng ganitong krimen.

Kung kayo po ay nangangailangan ng tulong, maari ninyong kontakin ang mga sumusunod na contact details ng Embahada ng Pilipinas:

 

Address: Hamzeh Ibn Abdul Mutaleb St., Building No. 56, 

West Mezzeh Area, Damascus

Tel. No. : (+963-11) 613-2626) 

Fax No.  : (+963-11) 611-0152)

ATN No. :  (+963) 949155557)

Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.